Wood Tumblr Themes

SJ today, Engineer Bautista tomorrow. ;)
Existing for already 17 years. Proud Filipina. Simple and witty. :D


1/1

ganyan ang mga blog. siguro nga walang sense para sa iba. pero, ganun talaga e. hindi naman kasi ako palakwento. hindi rin ako sociable. pero, para sa mga taong marunong mag-appreciate, kahit papano, may sense rin naman. wala naman kasi sa prayoridad ko ang tumblr. pero sa panahong wala akong masabihan ng nararamdaman ko, gusto ko laging nakababad sa tumblr. gumagaan kasi ang pakiramdam ko. alam ko kasing kung anong nararamdaman ko, hindi ko maipagkakatiwala sa ibang tao. hindi naman kasi sila interesado sa nangyayari sa buhay ko. ayoko rin sa kanila dahil sa isang dahilan. masyado silang mapanghusga. at yon ang ayaw na ayaw kong ugali na meron ang taong nakakasalamuha ko. alam ko kasing hinuhusgahan nila ako sa mga kilos ko kahit wala naman silang ibang ginagawa para makilala ako ng lubusan. ni wala nga ni isa sa mga kaibigan kong tinuturing ang alam ang istorya ng buhay ko. ni wala nga sa kanila ang may alam kung bakit ako ganito ngayon. kaya masasabing wala talaga akong masasabihan ng kung ano ang tunay kong nararamdaman.

hope i can find one.




  1. unutteredsilence posted this